.. And The Infinite Taste for Travel and Infantile Adventures

Diyalogo: Mula Taxi Hanggang sa Kawalan

Matapos ang sagupaang Manny Pacquiao-Juan Manuel Marquez. Naging maganda ang umaga sa akin. Sinabay ako ng Mommy sa taxi para makatipid sa pamasahe. Dito ko narinig sa nasakyang taxi ang iba’t ibang ideya na kwela at nagpaganda ng aming pagsakay. Bago ang lahat, matapos ikabit ang seatbelt, mapagobserba ako sa katapatan ng pagpatak ng metro at napansing totoong tapat ang taxi ng mama’. Habang nakampante sa kanyang sasakyan, agad na humirit ang mamang taxi “Ang ganda ho’ ngayon ng byahe, walang trapik”. Natuwa naman kaming mag-ina dahil mukhang makwento ang nasakyan naming taxi. Dagdag pa ng mamang taxi driver e ” Lalo na po kahapon maganda ang byahe, ganun pala kapag may laban si Pacquiao walang trapik”. Agad ko namang tinanong kung napanood niya ang laban ni Manny. Sinabi niyang napanood niya ang laban pero hanggang third round lang daw siya dahil kumakain siya nang pinapanood ang boxing. “kung walang knockdown malamang talo pa tayo, sadyang may lakas lang si Manny kaya niya natalo si Marquez” .Nalulunod ang usapan sa boxing at sa mga bagay na kapaloob ang pangalang Pacquiao at dahil diyan di nakaligtas sa mama ang pagtatanong sa akin kung bababa na ba si Gloria. Inunahan ako ng mama at sinabing di makakababa si Gloria kasi walang hagdan. Natawa man ako sa biro ng mama’, alam kong di hagdan ang kulang na rekado.

Naging mabilis ang pagdating namin sa aming bababaan at kinakailangan nang putulin ang mga usapang nasimulan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s