.. And The Infinite Taste for Travel and Infantile Adventures

Jeep at Pag-iisip

Habang naiipit sa gitgitan ng bawat sasakyan sa kahabaan ng mga kalsada ng Maynila, Di ko maiwasan na maisip at pagmasdan ang itsura ng mga taong nakakatabi ko sa jeep. Andyan ang taong tulog at mukhang pagod na pagod, taong wala nang ginawa kundi mag text, andyan din ang mahilig pumapak ng kung ano-ano, at ang matindi meron din naman na may masamang intensyon sa cell phone ng bawat pasahero.

Ano pa man ang mga dahilan ng aming pagkikita. Ano pa man ang mga sirkumstansyang bumuo sa posibilidad para kami magtagpo sa ganap na pagkakataon at oras, hindi ko alam. Pero alam kong bakas sa bawat mukha ng taong nakita ko sa jeep ang bigat ng buhay. Buhay na kung minsan mahirap matimpla. Buhay na kung minsan walang pakialam. Buhay na kung minsan kasing bilis ng mga sasakyan kung dumaan. Pero ano pa man ang dahilan, pinipili nating tumawid. Pinipili nating tumawid na kung minsa’y parang mga asong nakikipagpatintero sa mga sasakyan.

Dahil na rin bulok ang sistema. Ginagawa tayong mga aso— Mga asong nakikipaglaro sa kapalaran. Walang tiyak na patutunguhan at masmarami ang tsansa nang pagkahagip ng sasakyan kaysa ang pagdating sa paroroonan.

One response

  1. seekercyrus

    napadaan….
    gusto ko ang nabasa ko dito….

    iilan na lang siguro talaga ang mag nilalang sa mundo na sa bawat bagay na nakikita sa paligid, at sa mga taong nakakasalubong sa mata, ay nakakapagbigay pa din ng mga malalalim na kahulugan sa mga ito…;)

    nice entry!

    May 19, 2008 at 2:15 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s