Estranghero

Gustong gusto ko maligaw sa mga lugar na di ko alam. Mga di pamilyar na lugar, mga ilaw na minsa’y nagbibiro habang nakikipaglaro sa lansangan at kalye. Meron dalang kaligayahan at halong pag-aalinlangan ang pagdaan sa di pamilyar na lugar. Ang mga daan na sa masmaraming panahon ay di natin matantsa kung ano ang kayang ibigay sa para sa ating mga napapadaan. Ganunpaman, pipiliin ko pa rin mangahas na sumuyod sa mga kalye, kalsada at iba’t ibang sulok ng mundo—mga lugar na labas sa aking kaalaman.

~ ni unidentifiedwalkingobject sa Marso 19, 2008.

Mag-iwan ng Tugon